Thursday, November 6, 2014

Pag-aanunsyo

by: Romelyn Balagtas

Ang pag- aanunsyo ay isang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto o paglilingkod gamit ang mga kilalang mga personalidad. May apat na uri ang pag-aanunsyo: Bandwagon, Testimonial, Brand Name at Fear.
Bandwagon
by: Alexia Balajadia

Sa pag- aanunsyong ito gumagamit ng maraming tao para ipakita sa lahat na maraming gumagamit ng nasabing produkto o paglilingkod.


Layunin nito na sumang- ayon o makiisa ang isang mamimili sa desisyon ng pangkat na mamimili. Ang pagsang-ayon ay hindi isang personal na paniniwala, Bagkus, ito ay dahil sa takot na hindi mapabilang ang sariling desisyon sa popular choice. Halimbawa ng mga ekspresyon na ginagamit sa pag- aanunsyong ito ay ang "Are you the one of us?" at "Join us now!"


Testimonial
by: Miscy Koline Bernardo

Sa pag-aanunsyong ito gumagamit ng mga kilalang personalidad na nanghihikayat sa mga tao na gumamit ng produktong kanilang ginagamit.



Binabayaran ang mga kilalang tao tulad ng nga artista, pulitiko at sikat na manlalaro upang mag-endorso ng isang produkto. Katulad na lamang nitong Fashion Show ng isang sikat na clothing brand na Bench. Dito nagsama-sama ang mga sikat na personalidad upang iendorso ang kanilang mga produkto.

Brand Name
by: Kynah Michelle Cabrera

Sa pag- aanunsyong ito hindi na gumagamit ng kahit na ano pang pakulo. Ang pinakikilala na lang ay ang tatak ng produkto o paglilingkod.


Ang brand o tatak ng isang produktong kilala na o matagal ng pinagkakatiwalan ng mga mamimili ay matagal ng ginagamit sa pag-aanunsyo dahil madali itong makaakit ng atensyon.
Fear
by: Kriselda Lacsina

Sa pag- aanunsyong ito, gumagamit ng kaunting pananakot sa hindi paggamit ng produkto o paglilingkod.

Ang produktong ito ay isa din halimbawa ng produktong fear na kung saan ipinakikita dito na kapag hindi gumamit ng ganitong uri ng sabon, maraming germs ang maaari mong makuha na magiging sanhi ng mga sakit.
Pag- unawa sa Binasa...

     A. Tukuyin ang bawat detalye sa bawat bilang.
by: Romelyn Balagtas

1.       Sa pag-aanunsyong ito gumagamit ng mga kilalang personalidad na nanghihikayat sa mga tao na gumamit ng produktong kanilang ginagamit.

T











2.       Isang halimbawa ito ng Fear kung saan ipinakikita rito na kapag hindi gumamit ng ganitong uri ng sabon maraming germs ang maaari mong makuha.

S











3.       Sa pag-aanunsyong ito, hindi na gumagamit ng kahit ano pang pakulo. Ang ipinapakilala lang ang produkto.

B




N






4.       Sa pag-aanunsyong ito, gumagamit ng maraming tao para ipakita sa lahat na maraming gumagamit sa nasabing produkto.

B







n

5.       Sa pag-aanunsyong ito, gumagamit ng kaunting panakot sa hindi paggamit ng produkto.

F







 B.Pagtapatin ang mga sumusunod:
by: Alexia Balajadia
               
Hanay A                                                                                Hanay B              
1.       Sa pag- aanunsyong ito gumagamit                                                    a) Bandwagon
ng mga kilalang personalidad.
2.       Sa pag- aanunsyong ito gumagamit                                                    b) Testimonial
ng kaunting pananakot.
3.       Sa pag- aanunsyong ito hindi na gumagamit                                       c) Brand Name
ng kahit ano pang pakulo.
4.       Sa pag- aanunsyong ito gumagamit                                                     d) Fear
ng maraming tao.

C.Isulat kung anong uri ng pag- aanunsyo ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
by: Miscy Koline Bernardo

a.       Bandwagon
b.      Testimonial
c.       Brand Name
d.      Fear

1.       Talk ‘n Text
2.       Baygon
3.       Avon
4.       Safeguard
5.       Globe
6.       Bench
7.       Giordano
8.       Sun Cellular
9.       Palmolive
10.   Biogesic
D. Bumuo ng mga salitang may kaugnay sa Ekonomiya.
by: Kynah Michelle Cabrera
  1. S O N A Y N G U A P A
  2. O W A G A N D B N
  3. A R E F
  4. S A L T M T E I O I N
  5. R D A E N M A B N